Sino Si Crisostomo Ibarra Sa Noli Me Tangere?

Sino si Crisostomo Ibarra sa Noli Me Tangere?

Kasagutan:

Crisostomo Ibarra

Si Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin, na karaniwang tinatawag na Ibarra, ay anak ni Don Rafael Ibarra. Ipinanganak siya at lumaki sa Pilipinas, ngunit gumugol ng pitong taon sa Europa upang doon ay mag-aral.

Noong mga panahon na iyon ay wala siyang gaanong kaalaman sa nangyayari sa Pilipinas dahil nga nasa Europa siya. Nang siya ay bumalik sa Pilipinas, napagtanto niya na ang kanyang ama ay pumanaw na. Narinig niya mula sa mga tao ang mga kuwento tungkol sa kabaitan ng kanyang ama kaya nagpasya siya na parangalan o gunitain ang ala-ala ng kanyang ama sa pamamagitan ng paggawa ng mga gawain na ginawa rin ng kanyang ama noong nabubuhay pa ito. Si Ibarra din ang kasintahan ni Maria Clara.

Katangian ni Ibarra

Kahanga hanga si Ibarra dahil siya ay matalino, mapagmahal at talaga namang matapang.

May pagka-Espanyol ang mga katangian ng kanyang mukha ngunit kayumanggi ang kanyang kulay.

#AnswerForTrees


Comments

Popular posts from this blog

The Main Difference Of A Merchandising Company Over A Service Company Is:, Select One:, A. It Has Production Facilities, B. It Does Not Need Employees